photography.running.adventures

Bakit Mahal Ko ang Pilipinas at Pagiging Pilipino


Hindi ito dahil sa Adobo, dirty ice cream, taho, o hopia sa Quiapo.

Hindi rin dahil na nanakawan ako ng Game Boy at Nokia 3310 sa lansangan o dahil maraming tarantado sa bansang ito.

Lalong-lalo na hindi dahil wala akong mahagilap na trabaho kahit na ako’y isang gwapong henyo… (ehem.)

Mahal ko ang bansang ito dahil isa akong Pilipino.

Marami nang tanyag na banyaga at kapwa natin Pilipino ang nagsulat at pumuna sa ating bansa at ating pagka-Pilipino. Mayroon na ring mga lumabas sa telebisyon, nalathala sa mga pahayagan, at kumalat sa internet ukol sa mga pintas sa dumi ng ating lahi. May ilang libro na ring  sumubok pukawin ang ating kamalayan upang magising sa katotohanan na kailangan na ng pagbabago.

Oo. Marami na tayong pagkakamali bilang isang lahi. Marami nang nangamatay dahil sa pagmamahal sa ating bayan, at para kanino?

Para sa mga pulitikong umuubos ng mga salapi ng mga mahihirap?

Para sa mga kawani ng gobyerno na nangungupit at nanlalamang ng kapwa Pilipino?

Para sa mga presidente na puro na lamang pangako na uunahin ang bayan bago ang sariling interes?

Hindi.

Para ito sa ating bayan at sa mga mamamayan na handang magbago para sa hinaharap.

Kung ating iisipin, puro na lamang negatibo ang nalalahad sa mga nakaraang nabasa mo tungkol sa Pilipinas at mga Pilipino. Nakakahiya, nakaka-inis, nakakapikon, nakakatawa, masakit at kadalasan ay totoo.

Gusto kong sanang baguhin iyon.

Bakit hindi tayo tumutok kung saan natin mas maipagmamalaki ang ating lahi? Kung saan wala tayong pag-iimbot sa kapwa? Kung saan wala tayong sisisihin na ibang tao, kahit katabi o kaharap mo na ito?

Kasi ang alam ko, mahal ko ang pagiging Pilipino dahil:

  • Tayo lamang ang bansang may national cuisine na toyo, suka at baboy lamang ang kailangan, ay naglalaway na ang ating mga kapit-bahay.
  • Tayo lamang ang lahi na nasalanta na ng bagyo, nagiba na ang paligid at kahit parang katapusan na ng mundo ay nakukuha pang sumagot kapag binabati ng “Magandang araw po!” ng “Magandang araw rin.” habang tayo’y nakangiti.
  • Tayo lamang ang lahi na tinitiis ang lahat na ibato sa atin ng buhay: bagyo, tiwaling pulitiko, tsimosong kapit-bahay, sunog, demolisyon ng MMDA, pagkamatay at isama mo na rin ang mga aswang at zombies sa pelikula. Iisa ang ating tugon: Sisiw.
  • Handa tayo sa lahat ng bagay: mawalan ng kuryente ng isang linggo, bahain ng ilang taon at maging ang kabaligtaran nito: kawalan ng tubig sa gripo.
  • Kahit na nasa 5’5″ lang ang ating average height, nangangarap pa rin tayong maging susunod na Michael Jordan, Lebron James at Kobe Bryant. Maging flight stewardess at modelo sa Paris naman para sa ating mga kababaihan! Kasi, ang mga Pilipino, MATAAS MANGARAP.

Marami pa akong maisasambit na dapat iarangal sa ating lahi at MAS marami pang di mabilang na pamimintas. Pero kalimutan na natin ang masamang imahe ng ating bansa! Nabasa na natin lahat yan, narinig, pinagdiskusyunan, at kung anu-ano pa. May nagbago ba?

May pag-asa pa tayo.

Naniniwala ako dito kahit na ikaw mismo ay hindi.

Kailangan lang natin hubarin ang imahe ng isang Pilipinas na puro bahid ng kawalan ng pag-asa at kung anu-ano pa.

Kailangan lang natin magkaisa at huwag pagtawanan ang pagkakamali ng iba.

(Sinusubukan lang niyang mag-Ingles. Turuan mo siya. Huwag mo siya ipahiya. Napagdaanan mo iyan at hindi porke’t nagtatrabaho ka na sa isang call center ay dapat ka nang magmalaki. Tandaan mo: Pilipino ka pa rin.)

Kailangan lang natin mamulat sa katotohanan na kahit pa sino ang iluklok natin sa pusisyon, walang magbabago sa sistema. Kailangan mag-umpisa ito sa SARILI natin. Kung wala kang tiwala sa sarili mo na hindi mo kayang maging patas sa iyong kapwa nang walang panlalamang, talaga ngang wala ng pag-asa… IKAW! Huwag mo kami idamay! (Anlakas mong magreklamo ukol sa gobyerno pero sarili mo ay hindi mo nga mabago.)

Hindi lang iisang tao ang nagpapatakbo ng ating gobyerno.

Lahat tayo, kasali rito.

Tanungin mo ngayon ang sarili mo, “Bakit mahal ko ang pagiging Pilipino at ang bansang ito?

Kung mahal mong tunay ang Pilipinas at ang pagiging Pilipino, ipamahagi mo ito sa iyong mga kaibigan. Dagdagan mo ang mga halimbawa kung bakit dapat ikarangal ang ating lahi. Ipaglaban mong hindi ka basta-basta!

Ipagmalaki mo na isa kang PILIPINO at simulan ang pagbabago .

Bakit naisulat mo ang ganito?

Nabigla ako sa aking napanood kagabi. Isang dating misyonaryong mormon na mas matatas pa managalog kesa sa mga Fil-Am nating mga kababayan, ang mahal na mahal ang ating bansa. Nakakalungkot dahil mas Pilipino pa siya sa kanyang Filipinang napangasawa! Pero labis akong natuwa dahil may mga tao palang mas ikinararangal ang ating bansa kahit na hindi siya dito nagmula.


Iboto ang iyong kapwa Pilipino!
Top Blogs

Bookmark and Share

Tell me what you think!

PBA0946s9o40

6 responses

  1. maviee_jane

    woo. npkgnda nito. napakainspirational. ang dami ko palang maling akala noon. oo, tama nga hindi dpt sisihin ang gobyerno kung bakit ang Pilipinas ay unti unti ng nagkakaroon ng masamang imahe sa iba.. nasa sarili natin ang pagbabago, nasa akin, nasa iyo. dapat lang nating mabago ang sarili natin (yung walang inggitan, walang higitan, walang sisihan) maging totoong tao. huwag nating sisihin ang gobyerno sa halip tanngapin natin nang maluwag sa loob ang mga nahalal dahil walang ibang makakapagpabago nito kundi tayo.. mahalin ang bansa natin. lumikha tayo ng bagong imahe sa ibang bayan upang makilala ang Pilipinas bilang isang BANSA. isang bansa na punong puno ng pagkakaisa. ano pang hinihintay mo. nariyan ka na, simulan na ang pagbabago😀

    November 28, 2009 at 11:03 AM

  2. mj

    naks kuya idol..

    January 5, 2010 at 3:31 PM

  3. wating

    tama..ang pagbabago ay nagsisimula sa sarili..

    July 6, 2010 at 10:52 PM

  4. lyckha

    wow hap..its so nice

    September 14, 2011 at 5:27 AM

  5. ikaranga natin ang pagiging pilipino, tama un

    July 17, 2012 at 4:12 PM

  6. ajang

    ginawa kong assignment to the best

    July 8, 2014 at 7:30 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s