photography.running.adventures

Ciara’s Sweet 16


Pagkatapos kong magluto ng sandamukal na Pork Barbeque, ‘di mabilang na Chicken Barbeque, tatlong bangus, at napakasarap ng Carbonara, nangawit talaga at pumintig ang aking mga mala-Adonis na braso. Pero ayos lang, dahil solb naman ako sa niluto namin (hindi ko nabanggit, joint effort nga pala yun…) at medyo namaga pa ang biceps ko kahapon. Astig. Sakto at ang suot ko ang sleeveless Human tank-top ko.

Ayos.

Kailangan na lang magpa-kyut.

Ehem…Ehem….

Nang biglang narinig ko, “Ryan, picturan mo nga mga kaibigan ni Ciara!

Anak ng pating… (quote from my Dad) Bertday nga palang ng nakababata kong kapatid. Ayos lang. Later na lang ako maghahasik ng lagim. Heto ang ilan sa mga nakunan ko…

Teka. Ano?! Mga naka-bikini?? Heller! Pinas kaya ‘to…

Sa Bora ka lang makakakita ng ganun. Pag nasa resort ka, naka-t-shirt o kaya naman mala-higanteng jersey na inarbor ang suot ng mga kababaihan ‘no… Asa ka pa. ^_^

Shempre, hindi mawawala ang group picture.

Kunwari, Paparazzi ako.

Dapat daw makunan lahat, sabi ni boss.

Ako naman. (Iwasang masuka.)

Pwede 'to isangla ah.... -aLpmobs

Nakakapagod palang makipag-habulan sa pool. (Oo, lalo na kapag hindi ka marunong lumangoy.) Kaya ngayon, nanakit ang aking buong katawan at rinanghali na naman ng gising. Pero masaya naman at hindi na “Pasty White” ang aking complexion, medyo nangitim na ako at higit sa lahat, may tinakot akong isang grupo ng swimmers.

Anong ginawa ko?(Wala po akong dalang armas ha? )

Tumayo.

Nilapitan sila.

Hindi ako nag-salita.

Tiger-look shempre.

Hindi na sila bumalik. Istorbo sila eh. Ako na kasi yung susunod na kakanta: Mr. Suave.

TAKE NOTE: Hindi ako nag-cube sa pool. (Di nga?!) Hindi nga.


Manakot daw ba? Hooray!
Top Blogs

Bookmark and Share

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s