photography.running.adventures

Ave. of 10 Solves = 25.20 Seconds


Yep! Naisipan ko nang orasan muli ang aking sarili sapagkat nalalapit na ang Rizal Open 2009, ngunit ako’y nagdadalawang isip pa kung ako ay sasali. Bakit kamo? Sapagkat kung ako man ay sasali sa isang kompetisyon, gagawin ko lamang iyon sa isang kundisyon: upang manalo. Ngunit kung alam mo na mayroon isang labing-dalawang taong gulang na bata na lalampaso sa’yo at marami pang iba, bakit pa? Oo, sabi nila, para masubukan ko lang daw.

Heller?! Marami pang kompetisyon ang mangyayari sa hinaharap. Marami pa akong pagdadaanan.
Marami pa akong kakaining bigas. (sana dinorado. ^_^)

Pero makulit talaga itong utak ko at naisipan kong magpraktis ng dalawang araw (Oo, dalawang araw lang.) na katumbas ng mga 100 solbs (mukha lang madami, pero hindi!) kada araw, at ito ang kinalabasan:
24.92
25.92
25.71
27.17
24.64
24.69
25.88
25.98
22.27—> ito na ang aking PB (Personal Best) ^_^ Magbunyi!
24.88
———
25.20 segundong Average (di ko lam Tagalog ng Average eh..)

Oo, ang dating average ko ay 26 something ngunit mas masaya na ako ngayon sapagkat consistent na ang oras sa magkakadikit na 24 at 25 seconds.
Paumanhin sa mga mambabasa kong banyaga at purong lingguaheng Pilipino lamang ang aking panunulat ngayon, sapagkat napakasarap nang aking pakiramdam at wala na ang aking dinadaing na migraine mula pa kagabi…

Bow.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s