photography.running.adventures

Para sa Mga Batang 80’s at 90’s


“Ito ang mga huling taon ng dekada ’80 at ang mga
unang taon ng dekada ’90. Ito ang panahong uso pa
ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng mga
artista, hindi ka tatawaging jologs. Ito ang
panahong tapos na ang martial law, pero malayo pa
ang new millennium. Hindi pa high-tech pero di
naman old fashioned. Saktong-sakto lang!  buti na lang sa
panahong ito tayo pinanganak.

Ito ang panahon natin. Pero pano mo malalaman
kung kabilang ka sa henerasyong ito? Narito ang
listahan na makapagpapatunay if you’re one of us. R U?

1. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man,
Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung
ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog.
Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng
hapon tuwing Sabado dahil panahon na para sa
superhero marathon.

2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang
kending lasang champoy)

3. Nanood ka ng Takeshi’s Castle at naniwala
kang si Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey
Manaloto ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo – pano sila
lumalaban sa final challenge na parang nakasakay
sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit
ang water gun gayong sa Japan ginagawa yun eh taga
Pilipinas sila?)

4. Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na
uulit-ulitin mong bigkasin ang “Kool 106, Kool 106”
hanggang maubusan ka ng hininga.

5. Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo,
Monkey-Monkey-Annabelle, prikidam 123,
Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik,
Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong
nakakapagod.

6. Pumunta ang mga taga MILO sa skul niyo at
namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic
cup &n bsp; na kasing laki nung sa maliit na ice
cream. (at nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO
kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)

7. May malaking away ang mga METAL (mga
punks na naka itim) at mga HIPHOP (mga taong naka
maluwang na puruntong na kahit Makita na ang dalawang
bundok.) Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball
bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang
kasabihang “PUNKS NOT DEAD!” pero kung gusto mong
mag play safe, pwede mong tawagin ang sarili mong
HIPTAL.

8. Alam mo ang universal uwian song na “Uwian
na!” na kinakanta sa tono na parang doon sa
kinakasal.

9. Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.

10. Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick
game. (hi-tech na yun noon)

11. Ang “text” noon ay mga 1″x1.5″ na karton na
may mg a drawing ng pelikulang pinoy. (at may dialog
pa!)

12. Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler, si
Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka
rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin
niya si Andre d’ Giant dahil pumutok ang mga ugat niya
sa muscle.

13. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-
anong dance steps na nakapagpamukha sa’yong tanga
sa saliw na kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray at Can’t
Touch This.<<< bakit walang butterfly step dito..

Always I wanna be with you…

14. Hindi ka gaanong mahilig sa That’s
Entertainment at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung
saan nagpapagandahan ng production numbers ang
Monday hanggang Friday group. (at badtrip ka sa
Wednesday group dahil pinakabaduy lagi ang performance
nila!)

15. Napaligaya ka ng maraming pinoy b ands tulad
ng Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical
Depression, The Teeth, The Youth, After Image,
Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang,
Introboys at ang sikat na sikat na Eraserheads. (at aminin mong
nakinig ka ng Siakol!)

16. Kilala mo ang Smokey Mountain, (first and
second generation)

17. Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong.
Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng
sapatos mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin
itong “Mighty Kid”

18. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa’yo ang mga
larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng
pustahan), saranggola at ang dakilang manika
niyo ay si GI-JOE with alipores.

19. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with
you’re gi rlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan,
doktor-doktoran, at kung anu-ano pang
pagkukunwari . ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka
kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.)

20. Naniwala kang original ang isang cap kapag
may walong tahi sa visor nito.

21. Swerte ka kapag panghapon ka dahil
masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik
na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows tuwing
umaga tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Landers a.k.a.
Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga
bida sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman
at namatay pa ng maaga)

22. Alam mo ang ibig sabihin ng “TIME FIRST!”

Bakit kaya ganon? Kahit sang lupalop ka ng
Pilipinas naroon, eh nakaka-relate ka sa mga
pinagsasasabi ko.
Siguro’y dahil wala pang cable at kakaunti lang ang
pagpipiliang channels kaya parepareho tayo ng
pinapanood. Maaaring wala pang playstation kaya
kung anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng
gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote. Pero
kung ano man ang dahilan sa pagkaparepareho
natin ng karanasan, masaya na rin akong naging bata ako
sa panahong ito. Masarap alalahanin at balik-balikan.
Di ba?”

source: this blog.

Funny ba? Vote!
Top Blogs

Bookmark and Share

3 responses

  1. mj

    i cant relate..i was born 1995 e… so im only 14 now.. hehehe kidding..
    i belong!…

    abg galing rai…dami mo na blog entries.. keep it up..

    April 13, 2009 at 8:02 AM

    • tinatamad na nga magsulat kasi ang init na dito sa Pinas! Puro reposted stuff na lang yan…

      April 13, 2009 at 6:40 PM

  2. arman

    yung sa number 12. hindi ba siya namatay?!

    August 30, 2012 at 12:07 AM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s