photography.running.adventures

the Quiapo Chronicle part 2.


Mga fans, ito na ang pinakaabangang Part 2!

12:30 PM

Hindi ko maintindihan kung bakit tuwing ako’y nakakahanap ng matatambayan na air-con ay lagi ring walang signal ang Sun. Badtrip talaga.  Nasubukan kong tumambay sa Clearance Store (SM din yata yun), Plaza Fair (kung saan naroon ang sira-ulong kahera) at Isettan (na nakapasikip at old schoooool!).

Wala akong nagawa kundi manumbalik sa SM dahil yun na yung pinakamalamig at pinakamaluwag sa tatlong nabanggit. Nunit dahil sa epekto ng matinding init ng araw, sobrang uhaw at gutom, kalungkutan at galit… naisipan kong lumapit kay Bro. (cue music: My Bukas Pa)

12:35 PM

Tirik na tirik ang araw… tila pinaparusahan ako sa di malamang dahilan. Masama bang kumuha ng NBI clearance sa Biyernes??!  Marahil isa ito sa mga misteryong kailangan kong ilapit sa Magandang Gabi Bayan tulad ng babae sa Balete Drive… Yun nga lang, retired na nga pala si Kabayan.

Pinilit kong pumasok sa loob ng simbahan. Siksik dito, singit doon. Tanaw na tanaw ang hi-tech na “big screen” sa labas ng simbahan. Ngayon, maari nang manood na lamang sa labas at hindi na kailangan pang makipagsiksikan sa loob.

Pero hindi ako magpapatalo.

Kahit ilang payong pa ang tumusok sa mata ko, pipilitin kong makapasok. Kesa naman ma-heat stroke.

Pero ako’y muling nabigo.  Sobrang sikip kasi talaga. Baka lalo lang ako mahilo na aking iniiwasan ngang mangyari… Wish ko lang naalala ko rin magdala ng payong…

12:45 PM

Bumalik ako sa Clearance Store upang subukang makabili ng makakain dahil naalala kong pwedeng mag-swipe sa SM kahit pa isang lollipop lamang ang iyong binili.

Umakyat ako sa Ikalawang Palapag ng gusali at hindi naman ako nahirapang mahanap ang Snack Exchange dahil napakaliit nito kumpara sa ibang SM branches. Dumampot ako ng Kornetts Natural flavor pagkatapos ay dali-daling pumunta sa Counter upang mabayaran ito. Pero this time, tinanong ko muna kung pwede ang Visa. Pwede naman daw. Kaya lang, minimum 100 Pesos na naman daw. Anak ng tokwa! Kelan pa nagkaroon ng minimum ang SM??! Shempre, walang nagawa ang lolo mo kundi ibalik ang nakakatakam na Kornetts Natural Flavor…

12:50 PM

Nagtext na ang aking tagapag-ligtas na si Charm at nasa LRT na raw siya papunta na sa aking kinaroroonan. Konting panahon na lamang ang aking kailangan tiisin at makakagising na ako sa masamang panaginip na ito.

Nakahanap naman ako ng mauupuan sa loob ng mall. Una sa Shoe section. Pero tingin ng tingin yung Sales Lady na parang may crush sa akin (pero malamang naiirita na kasi kanina pa ako nakatambay doon) kaya hindi rin nagtagal ay umalis ako sa aking pwesto. Napagtanto ko na mahirap pala magpanggap na magsukat ng sapatos…

Hanapin Mo 'Ko!

Hanapin Mo 'Ko!

Pumwesto ako sa isang napakataas na hagdan sa pagitan ng Una at Ikalawang Palapag.  Grabe! Andami rin yatang nawalan ng pera tulad ko. Kasi parang may Class Picture kami dun habang nakaupo sa may hagdanan.  Kulang na lang, photographer at yung Class Banner, kumpleto na.

Una, sa bandang itaas ako umupo para tanaw ko ang lahat. Yun nga lang, umubra na naman ang sumpa ng Sun cellular. Wala na namang signal. Kaya lumipat ako sa pinakaiababang bahagi ng hagdan at doon nagpa-cute at naglaro na lamang ako ng dala kong Rubik’s Cube. (Shempre, hindi ito mawawala. lol)

1:00 PM

Dumating ang aking pinakahihintay at tinanong niya ako kung kumain na ako. Gusto kong maiyak sa pagkakataong iyon dahil parang eksena sa isang pelikula. Maari itong pamagatan ng: Quiapo Boy: ang Pagbabalik! ….

Dumerecho kami sa Jollibee (para makatipid na rin) at umorder ako ng Meal E1: 1 pc. Burger Steak meal with Regular Coke. Hindi ako kumakain ng kanin, pero sa pagkakataong ito, kailangan ko talaga ng enerhiya… Dinagdagan pa niya ito ng Peach Mango Pie para masaya. Pero tulad ng Kanin, ayoko rin ng Fruity foods pero hindi oras ngayon para maging Choosy

Pagkatapos lumamon ay nailahad ko ang mga pangyayari sa kanya mula kaninang umaga: matandang binging driver, super bagal na jeep, at mahiwagang pagkawala ng aking pera.

“Yung stub ko nga na tag-20 pesos nandito sa bulsa ko eh… Ayos, di na ako magbabayad ulit.“, sabay kapa sa bulsa.

Siyempre, nawawala na naman. Hindi na ako nagugulat sa mga pangyayari sapagkat kung saan-saan na rin ako tumambay at marahil nawala (o dinukot) ito kakalipat-lipat ko ng pwesto. Inabutan niya ako ng limandaang piso (ayan na naman yang 500 pesos na yan…) at pinakita ko sa kanyang nilagay ko ito sa wallet sabay suksok sa bulsa.

1:20 PM

Nauna na siya pabalik sa kanyang trabaho at todo-pasalamat talaga ako sa kanya. Marahil nasa Quiapo pa rin ako at nagbebenta ng DVD ng You Changed My Life na kinatatampukan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.

1:30 PM

Bumalik na ako sa NBI clearance center para matapos na ang kalokohan na ito. Ito ang mga pangyayari:

Step 1: Nagbayad muli ng 20 Pesos para sa Renewal Stub.

Step 2: Pumila sa Payment Area labeled Step 1 sa parehong palapag ngunit sa kabilang bldg. (This time, nakapagbayad na ako ng Php 115.)

Step 3: Umakyat sa susunod na palapag for Verification (yata) Dito ko inabot yung tag-20 na stub.

Step 4: Isa pang step kung saan kinuha naman yung luma kong kopya ng NBI clearance at pinapunta na ako sa Image Capture Area.

Step 5: Picture-picture! (Ang haggard ng pic ko! Bwahahaha!)

Step 6: Releasing.

Step 7: Finger-Printing. Ito yung area na may option kang magbayad ng Dalawampiso kung gusto mo ng Ink wipes courtesy of Manong.

Amazingly, napakabilis ng processing ng NBI clearance ko this year kumpara sa mga nakaraang taon. Hindi ako umabot ng 30 minutes at solb na lahat! Lupet! Para silang naka-drugs sa bilis nila kumilos and I meant that in a good way. (Wag na mag-react! Mag-react, Guilty!)

2:00 PM

Yummy!

Yummy!

Whew! Makakauwi na rin. This time, siniguro ko muna na may laman pa ang wallet ko. Mamaya naman kasi, wala pala akong pambayad sa FX di ba? Pero bago ako sumakay sa kolorum na FX papuntang SM Fairview, dumaan muna ako sa suki kong bilihan ng hopia, Buko Pandan flavor (na lasang butter). Apat na piraso ang binili ko kasi nga favorite ko yun e.

The End.


FUN FACTS:

  • Tatlong pulubi ang lumapit sa akin at humingi ng limos. (Parang nang-iinsulto sila ah.)
  • Birds of the same feather, flock together. (Kasi parang sinasali ako nung mga pulubi sa org. nila- Quiapo Chapter)
  • Walang matatambayan sa Quiapo.
  • Patok ang mga bilog-bilog na bagay na binebenta sa sidewalk na nilalagyan ng tubig na lumalaki raw.
  • Buti na lang naka-line ako. Salamat sa HSBC at Sun.
  • Un lang.

CLICK!!! Para matuwa ako sa’yo.
Top Blogs

One response

  1. Pingback: the Quiapo Chronicle part 2. | Abstrakcyjny

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s