photography.running.adventures

the Quiapo Chronicle part 1.


I was supposed to follow my last blog regarding my experience going to the PRC in Morayta. However, today proved to be a much more eventful one than that. Enjoy!

7:00 AM

Alas-siyete na ng umaga, tumunog na ang aking Motorola Rockr (na sira ang screen lock) bilang hudyat na kailangan ko nang bumangon. Hindi ko lang malaman kung bakit sabay na sabay rin ito sa pagpasok ni mama sa kwarto sabay sigaw ng, “Gising na Ryan! Alas-siyete na!” No choice, kailangan ko na talagang bumangon… Haayz…

Timpla Kopiko.

Ligo.

Bihis.

Kain meatloaf with egg.

Inom kape. (Oo, ngayon ko lang ininom.)

Sibat na…

8:20 AM

Nakasakay na rin ako ng keep patungong Quiapo pagkatapos kong lumuwas pa palabas ng aming subdivision sapagkat walang masakyan. Pati pala mga jeep ngayon, krisis na rin? Asar. Nasaan ang mga kolorum na FX pag kailangan mo sila? Nasa garahe? Imposible na lahat sila ay na-impound ng MMDA sa may EDSA di ba?

Traffic. Ano pa nga ba? Hindi ko na inaasahan na magiging mabilis ang kilos ng sinasakyan kong jeep sapagkat sa itsura pa lang ng tsuper, isang nunal na lamang sa kanyang likuran ang hindi pumipirma para siya ay magresign na. Malamang ilang People Power Revolution (isama mo na rin yung Unang Sigaw sa Balintawak) na rin ang napagdaanan ng mamang ito kaya’t parang nasa parada kami ng Santa Kruzan kung siya’y magpatakbo.Ambagal. Promise.

Bayad po o! Isang Quiapo galing North Fairview. Isa.” Ayos. Kumpleto. Sabay abot ng kwarenta pesos bilang bayad.

“Huh?” sabi ni Manong. Hayup! Talaga palang matanda na siya. Kaya mga tatlong beses ko pang inulit yung binanggit ko kanina na parang nagtatawag ako ng COCC. Nakakahiya.

Kulang pa ng lima!”

Amf! Mas mahal pa sa fx?!” Sambit ko, pero dumukot na rin ako ng lima para matigil na siya.

“Ay wag na! kwarenta pala to! Hehehe!” sabay sukli ng kinse pesos. Nagtawanan yung mga pasahero sa jeep. Ayos. Sikat na naman ako. ^_^

10:00 AM

Sabi sa’yo mabagal talaga yung nasakyan ko eh. Akala ko pa naman, maaga ako makakarating sa Quiapo. Gusto ko pa namang matapos agad sa pagkuha ng NBI clearance sa Carriedo para makauwi agad at makapagpahinga. Ilang araw na rin akong naglalakad ng kung ano-ano.

Andaming tao! Oo nga pala, Biyernes ngayon. Maraming nagde-date este nagsisimba sa Quiapo. Meron ding nag-aalok ng pampalaglag, manghuhula, nagbebenta ng smuggled na action figures mula Tsina at siyempre, mga mandurukot. (Die!!!)

Ngunit kung alam ko lang ang mga susunod na mangyayari, nagdala na rin sana ako ng lubid…

10:10 AM

Ayos! Konti lang ang tao. “Magsimba muna kayo diyan habang nilalakad ko ‘to. Hehehe!”, sabi ko sa sarili ko dahil akala ko sinuswerte ako kahit na tinanghali ako ng dating. Nagbayad ako ng bente pesos para sa isang stub para sa mga renewal applicants, sabay direcho sa pila para magbayad ng 115 Pesos para sa NBI clearance. (Ilabas na ang popcorn.)

10:20 AM

Nilabas ko na yung luma kong kopya ng NBI clearance upang iprisinta sa clerk. Binuksan ko na rin yung mahaba kong wallet para ilabas yung pambayad ko maya-maya lamang. Wala.

Ayos lang yan, baka nasa coin purse.

Pagbukas ko, puro coins lang ang laman. Tag-lilimang piso. Nagsimula na akong pagpawisan.

Tinignan ko ulit yung mahaba kong wallet baka nasiksik ko lamang iyon doon. Wala talaga.

Kaya’t naisipan kong umalis muna sa pila upang halughugin ang aking checkered na bag. Wala pa rin. Naglaho talaga.

Pwede na bang mag-panic? Oo, pwede na.

lahat ng aking kayamanan

lahat ng aking kayamanan

10:30 AM

Nang nasiguro ko nang wala talaga yung tangi kong limandaan sa buong mundo, binilang ko lahat ng natitira kong yaman.

MATH TIME!

May 20 Pesos and 50 centavos ako sa coin purse + 5 pesos and 20 centavos sa aking mahabang wallet= Php 25.70. Tsk! Hindi yata ako makakauwi ah…

10:32 AM

Nagpapanic na ako. Seryoso. Nagtext na ako sa lahat ng sa tingin ko ay hindi ako pagtatawanan at seseryosohin ang text kong ito. (Buti na lamang at hidni ko problema ang load sapagkat naka-line ang isa kong telepono, kundi dedbol.) At oo, kung isa ka sa naka-receive ng text ko, wow, pinagkakatiwalaan pala kita. Naks! At kung hindi naman, ibig sabihin lang nun, alam kong busy ka sa ibang bagay-bagay. Naks ulit!

11:00 AM

Nagsisimula nang uminit. Hindi ko alam kung saan ako maaring tumambay sapagkat kahit madalas akong magpunta sa lugar na ito, wala akong alam kung saan ka maaring huminto at magpahinga. Napakarami pang tao. Asar talaga.

Oo, nga pala, wala pang nagrereply sa aking naghihikahos na text mula pa kanina, kaya’t nagpalaboy na lamang ako sa paligid-ligid.

11:20 AM

Muntik na akong maiyak nang aking malaman na meron palang guston tumulong sa akin kahit siya ay busy sa pagtatrabaho. Huhuhu! Andrama pero totoo. Manggagaling pa si Charm sa Makati at pupuntahan ako agad upang pahiramin ng pera. I’m saved. T_T

12:00 Noon.

Nagugutom nako. Ga-munggo na ang aking pawis. Anak ng tokwa, wala yatang mabibili tong limpak-limpak kong salapi ah… Tsk… Eh credit card kaya? Pwede dito? AaarrGggh! Quiapo nga pala ‘to! Teka, ano yun! Plaza Fair! Baka pwede!

Dali-dali kong hinanap ang snack section upang makapamili ng pantawid gutom. Siyempre, dumaan muna ako sa cashier upang tanungin kung tumatanggap sila ng credit card. Pwede naman daw, kaya’t dumampot ako ng isang C2 Apple mula sa ref at isang balot ng Hopia Munggo sa isang nalalapit na estante. Ayan, makakakain na rin sa wakas! Ini-scan nung ale yung dalawang pag-asa ko para hindi himatayin at umabot yata ng mahigit trenta pesos ang lahat-lahat. Inabot ko ang aking credit card na punung-puno pa nang utang mula pa nung Pasko.

“Minimum Php 100 lang po.”, sabi nung ale.

Nung sinabi niya yun, parang gusto ko siyang bigyan ng kombinasyon na matagal na niyang hinahanap. Ngunit ako’y isang Professional. Naks. Registered nurse pa. Bakit kasi hindi niya sinabi agad?!! Dyahe. Buti na lang ako lang yung nasa pila.

“Eh,…. 25 pesos lang kasi yung cash ko dito e.” (Nakakahiya talaga…)

“Pwede po magbawas.” (Aaaaarrggghhh!! Ano to, COMELEC?)

Sige, yung C2 na lang. “ Siyempre, mas pipiliin ko na yung liquid di ba? 18 Pesos din yung presyo ng inumin na iyon. 7 pesos na lang ang natitira sa aking wallet.

Balak ko na sana maglaslas na nang pulso pagkatapos ng pangyayaring iyon. Pero wala nga pala akong pambili ng blade… ^_^

Vote for my post! Click!

Top Blogs

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s