photography.running.adventures

IVT Training – Day 2


After a few days of hiatus, I finally got the urge to finish DAY 2 of my IVT training in Bulacan. This time, it’s divided into several chapters since, it’s longer than I expected so you could read ahead if one chapter sucked. Enjoy!

CAMPING
Ikalawang araw ng parusa este pagsasanay, ang aga-aga, naiihi na ako. Sino ba naman kasi ang nagsabi sa janitor na gusto naming maging popsicle sticks pagkatapos ng lecture? Anak ng tokwa, kahit yung suot kong itim na jacket galing ukay-ukay ay hindi umubra. Sayang nga at nilayasan ako nung katabi ko kahapon, mas tipid sana at mas energy-efficient kung niyakap ko na lang siya…

Napakalaking checkered backpack nga pala ang dala ko ngayon para kunwari “emo“, para hindi makahirit sa akin ang RGM fans club. Oo, may

keep me awake!

keep me awake!

pangalan na sila, at wag ka, registered sila sa DTI. Inanunsyo kasi kahapon na gagabihin daw kami ngayon sapagkat mahaba pa ang lecture at tuturuan pa kami para sa return-demo bukas. Kamusta naman, uuwi daw kami ng alas-otso ngayong gabi, dalawang oras ang biyahe, darating ako sa bahay ng alas-diyes, magpapahinga, kakain, mag-aaral, matutulog… Gigising ng alas-kuwatro para hindi ma-late dahil 7:30 daw ang call time. Uhmmm…. GUSTO NIYO BA TALAGA AKONG PUMASA??! Pinatulog niyo pa ako?! Baka dalawang oras lang ako matutulog nito mamayang gabi sapagkat kailangan kabisahin ang 5 procedures na binubuo ng mahigit kumulang 150+ steps. Sana nga talaga “emo” ako, para isang laslas lang, tapos na ang paghihikahos.

Buti na lang hindi, at biniyayaan ako ng utak ni Einstein at yaman ni Bill Gates kaya naisipan ko na lamang na maghanap ng matutulugan sa paligid, para kahit papano, hindi masayang ang apat na oras sa biyahe. Sosyal. Hotel ito?!

Kumpleto pati ang laman ng aking pinakamamahal na checkered bag: pantulog (check!), sipilyo (check!), tooth paste (check!), medyas (check!), pamalit kinabukasan (check!), nursing uniform (check!), videocam (check!), 2 cellphone (check!), iPod Classic (check!), susi (check!), coin purse (check!), mabang wallet (check!), 2 credit card (check!), mga ID (check!), notebook (check!), tent (check!), abre-lata (check!), kandila (check!), flash light(check!), atbp. Ayos! Kumpleto na to! Kahit siguro biglang toyoin si Obama at mapag-tripan na maglunsad ng nuclear testing sa ating bansa ay makaka-survive ako. Pero hindi ko aakalain na isang anunsyo lang pala ang katapat ng aking matinding training sa Bundok Makiling.

ANUNSYO
Sa kalagitnaan ng first break, nagtanong ang isa sa mga preceptor kung sino ang walang nursing uniform at sinabing itaas ang kamay nung wala pa. Aba’y siyempre, hindi ako nagtaas. Mayabang ang lolo mo. Nagawan ko na ng paraan yan, kahapon pa! Dahil ang aking uniporme ay pinamigay na ng aking butihing ina sa Peace Corp sa Iraq, walang natira ni-isa! Buti na lamang at nakahiram ako sa aking kaibigan bago ako umuwi kahapon. Naks! Buti na lang hindi lang ako cute, maagap din.

Kaya lang hindi ako natuwa sa mga susunod na pangyayari… Dahil katulad, hindi lahat ay fresh graduate, meron ding mga pasaway tulad ko na ngayon lang naisipan mag-training. Natural, wala na rin silang uniform. Mga sampung pasaway rin yata yung nagtaas ng kamay nila. Sa isip ko, mga pisante.. wala ba kayong mahiraman?? Kaawa-awa. Yun pala, mas kawawa pa ako. Hindi ko nabanggit na nagbibit pa ako ng puting leather shoes para tugma sa uniform na hiniram ko. Dagdag isang paperbag pa yung kargo sa halimaw kong checkered bag na nagpipigil pumutok sa sobrang kapunuan. Napag-desisyunan kasi na white t-shirt na lamang at maong pants ang uniporme para bukas.

Katahimikan.

Kahit na maraming natuwa, ay isa ako sa mga nagngitngit na bakit pa kasi nila naisipan kahapon na magpa-uniform tapos hindi naman pala nila pangangatawanan. Sus! COCC uniform din pala labas namin nito! Hindi nila naisip na may isang tulad ko na willing magbitbit ng extra sapatos, plantsadong uniform at puting medyas dahil sinabi nila? Hindi ba applicanle ang “touch-move” dito??! Asan ang hustisya?! Huhuhu…

POPSICLE
Mabilis ko namang natanggap ang katotohanan… Ang problema nga lang ay wala akong dalang extra maong pants sa aking mahiwagang bag. Kasama sa ipagdarasal ko mamayang gabi na hindi nila mapansin na inulit ko lamang ang pantalon ko. Nakakahiya. Lalo na’t baka may ikinakalat na palang mga litrato ang RGM fans club at hindi magtatagal at mapapansin nila na ang suot kong panatalon noong Day 2 at Day 3 ay iisa. Shet, parang soap opera.

Kutkutin mo ako..

Kutkutin mo ako..

Inabala ko muna ang aking sarili sa pagsusulat ng walang humpay na lecture tungkol sa blood transfusion. Malaki ang naitulong nito upang hindi ko tulugan ang lecture, lalo na ang madikit na nakaraan ng dating presyo na nakadikit sa aking Panda ballpen. Nakaka-adik kutkutin ang malagkit at madikit na bagay na na-stuck sa aking panulat. Mga tatlong pahina rin yata ang aking nalampasan dahil dito. Paglingat ko, lunch break na! Ayos lang, at least, wala na yung madikit na nakaraan ng aking ballpen. Walang anuman.

Habang lunch break, lumabas ako upang bumili ng inumin. Napakahaba ng pila sa water dispenser, para lamang malaman na hindi na ito malamig sa dami ng umigib na dito. Nagtanong ako sa ale kung saan maaring bumili ng puting t-shyert. Meron daw sa may “Crossing“. Malapit lang daw dito. Haller? Magtatanong ba ako kung alam kong malapit lang? (Nung sinabi niya kasi yun, kitang-kita sa kanyang mukha na merong”Ano ka ba?! LOOK” )Siyempre, nagtanong ako kung ano yung sasakyan at kung ano yung malalapit na istasyon ng pulis. (Para ligtas! Or not?)

Nakarating naman ako nang matiwasay at nakabili sa isang parang ukay-ukay pero presyong mall. Ayos, nag-iisang puting Giordano! Pwede na to! Medyo ininda ko ang presyo nito pero wala na akong magagawa. Nagmadali akong bumalik at eksakto namang maguumpisa pa lamang ng lecture. Wala silang kamalay-malay na kung saan-saan na ako naka-abot. Kahit siguro dinukot na ako ng Abu Sayyaf ay wala pa rin silang ideya. Ganun sila kahigpit.

DI NGA?
Lecture na naman… procedures na ang pinaguusapan namin. Hindi ko maintindihan kung bakit ngayon lamang ito dinidiscuss at expected nila over-night na kabisado mo na ito? Mas maigsi pa nga yung Sabayang Pagbigkas namin nung hayskul pero ilang Linggo namin yung binubuno! Malupit talaga ang tadhana. Isang magdamag lang ang binigay nila. Akala ko pa naman, maawain ang mga nurses. Hindi pala…

Nabigla ako! Siguro nag-daydream yung halos katabi ko at hindi niya narinig yung sinabi nung lecturer.

Sabi niya sa akin,  “Excuse me, what’s the rationale for number 21?“. Sosyal, nag-English pa! Maganda ka na, hindi mo na kailangan magpa-impress… Anong number mo? Anong favorite mong movies?  Buti na lamang at sa isip ko lang ‘to tumakbo.

Buti na lang at nakikinig ako.

Sabi ko, ” To prevent needle-stick injury.

Sagot niya, “Huh?”.

Ay bingi! Dinahan-dahan ko na, hindi pa rin niya naintindihan. Buti na lang maganda siya at inulit ko yung sinabi ko kanina with matching movements. Na-gets naman niya. At sa dinami-dami namin sa room, pangalan lang niya ang nakuha ko: Eizel Chyren Barrantes. (Hi!)

THE HUNT
Natapos na ang mga demo pati na rin ang pamimigay ng mga tips. Uwian na. Pinakahuli na akong lumabas dahil na rin sa laki ng dala ko. Ayos dito, siksik doon. Oks na… Lalarga na ang barko. Pag labas ko, aba, ang dilim na pala. Lagpas alas-siyete na pala. Hanap muna ako kanin. Ang mahal! Siyete tapos parang 3.50 lang yung dami! Asar. Idadaan ko na lang sa ulam. Buti na lang, fiesta ham baon ko. (Seryoso.) Uy! Botika! Bumili na rin ako ng dalawang Advil. Kanina pa rin kasi ako inaatake ng migraine dulot ng sobrang lamig at limang kape = dehydration.

Medyo basa ang daan dahil sa pag-ulan nitong hapon. Iba talaga ang paligid pag gabi. Yung dating masayang paligid ay parang nababalot ng dilim. Lakad pa…. Naisipan kong mag-short cut kesa naman umikot pa ako. Yun lang, pagtagos ko sa eskinitang yun, hindi ko talaga mawari kung nasaan ako! Kulang nalang ay yung soundtrack ng Twilight Zone. Bumalik na lamang ako kung saan ako sumuot. Bakit pa kasi ako nag-short-cut?! Lalo pa tuloy ako natagalan. Hindi nakatulong ang mabigat kong mga dala at ang pagsimula ng pag-ambon. Sa dinami-dami ng makakalimutan ko, payong pa. Diretso. Kanan. Diretso ulit. Ang sakit na ng paa ko. Kanan. Ayun!

Dumaan ako sa may parke sa tapat ng Kapitolyo. Salamat naman at may mga tao na. Nakakatuwa lang isipin na marami namang makukuhang kaugalian sa Maynila pero ang naisipan pa nilang gayahin ay ang pagde-date sa park at pagsusuot ng low-cut blouse. Aw.

Nakahanap naman ako ng matutuluyan pagkalipas ng 3 kilometrong paglalakad mula sa ospital. Meron namang malalapit pero hindi ko gusto ang paligid. Kung hindi mga babaeng naka-high heels ang nakatambay, mga nagyoyosi na mama na sinlaki ni Incredible Hulk. NO thanks.

Maganda naman yung kuwarto. Maari kang mag-gymnastics. Kumain na ako agad! Naaalala ko tuloy kung paano kumain si Baki Fuuma (anime) pagkatapos niyang bitbitin yung gabundok niyang bag pag siya’y mamumundok. Ganun na ganun. Pahinga muna… Nood t.v. Namalayan ko na lang, mag-aalas-dose na. Asar. Di ko talaga kayang mag-aral. Ang sakit talaga ng ulo ko. Napagdesisyunan ko na lamang na gigising na lamang ako ng maaga para makapagsaulo.

Lord, kailangan ko ng himala…



Top Blogs

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s