photography.running.adventures

IVT Training – Day 1


Unang araw ng pagsasanay sa Bulacan Medical Center (dating Bulacan Provincial Hospital, sosyal na kasi sila.) at dapat dumating ako ng 7 ng umaga. Dahil diyan, pinilit kong matulog ng maaga para lamang subukan na makarating ako sa tamang. Ngunit hindi nakikisama ang tadhana…Nakalimutan ko nga palang kaya ako natutulog ng hating-gabi ay dahil sa oras lamang na iyon nawawala ang pesteng ugong mula sa isang gusali ng gobyerno sa likuran ng aming bahay. Wooommmmm-uhmmmm-woooommm-uhmmmm. Ulitin laman ito ng animnapung ulit sa isang minuto. Talagang mabibilib ako sa’yo pag hindi ka nairita sa ugong na ito. Sa madaling salita, hindi ako nakatulog.

Na-late ako! Dumating ako nang lampas 10 minuto sa call-time. Pag dating ko sa JICA bldg., nabigla ako! Ang haba ng pila, andaming tao! Pakiramdam ko tuloy, audition ito ng American Idol. Nag-isip ako ng pwede kong kantahin, kung babarahin ba ako ni Simon Cowell, kung magugustuhan ba ako ni Paula Abdul. Buti na lang, umubo yung sumunod sa akin sa pila, umuusad na pala yung pila.

Habang nasa pila, may nag-text sa akin kaya natural lamang na ilabas ko ang cellphone ko na nakuha ko lamang ng libre sa SUN cellular. Aba! May nag-react! Dahil ako’y nakikinig sa aking iPod, akala siguro nila, hindi ko maririnig. Mga 3 tao mula sa aking likuran ay may grupo na na naghahagikhikan, sabi nung isa, “ay mahirap!“. Siyempre, hindi ako umimik. Tama sila. Mahirap lang ako e, at baka hindi ako yung tinutukoy nila. Pagkatapos kong pumirma at abutin sa akin nung ale yung makulay na hinabing envelop, ay naghanap na ako ng mauupuan. Dahil marami na palang naunang dumating, at mahaba naman ang pila, hindi halatang nahuli ako sa pagdating. Pumili akong umupo sa bandang likuran, sa dulong bahagi, ikalawang hilera mula sa likod. Mga 10 minuto ang nakalipas, umupo sa hilera ko ang grupong naghahagikhikan kanina. Gusto yatang marinig ko talaga ang sasabihin nila. At habang paubos na yung pila, may tumabi naman sa akin. Sa wakas! Akala ko wala, magmumukha kasi akong kawawa. At pasalamat naman ako at hindi siya yung huling dumating. Pangalawa lang sa huli. Pwede na yun. Maganda naman siya e.

Happy Meal

Happy Meal

Natapos na ang Pre-test, ayos naman ang kinalabasan. Buti na lang, nakapag-aral ako kagabi. (Hindi nila sinabi yung score pero nalaman ko na 85 yung nakuha ko sa ikatlong araw.) At dahil wala namang gagawin, maagang nag-break. Masarap sana ang pagkain na inihanda nilang creamy sopas at kutsinta kung hindi lang ako nagpipigil na tumakbo sa c.r. dahil sa kaba. At dahil nga abnormal ako, nag-iPod na naman ako. This time, may nagtext sa isa kong telepono. At kahit na hindi ko na kailangan gamityin ang stylus sa pagtetext dahil gamay ko na ito (touch screen- Moto Rockr E6) ginawa ko pa rin at nag-angas na rin ako. Hindi nakapag-pigil ang grupong ito na binubuo ng 2 babae at isang pangit na bading. Siyempre nag-komento sila dahil akala nila hindi ko naririnig, “Pwede, pwede! Dapat may Friendster, Multiply… Hahaha!”

Anak ng tokwa! Ako nga pinag-uusapan nila! Napatunayan kong abnormal lang ako at hindi “feeling” at nasisiraan ng bait.

Pagkatapos ng break, nagpaalam ang aking magandang katabi para lumipat ng pwesto, “Lipat ako sa harapan ha? Malamig kasi dito sa pwesto natin.” Maayos naman siyang lumisan, hindi dahil malamig, ngunit dahil nasa unahan pala yung boyfriend niya. T_T

Nagsimula na ang lecture at nasimulan ko nang maramdaman ang galit ng air-con. Nasa uluhan ko pala ito at hindi ito basta-basta air-con. Lampas isang dipa ang haba nito at kada-limang segundo bumubuga ang buong lakas nito sa aking bumbunan. Sinusumpa ko na hindi ko nakita ito pag-pasok ko. Huli na ang lahat…

Natapos na ang napakahabang history of IV therapy at lunch break na pala. Nauna na akong kumuha ng inihanda nilang Kalderetang Baka, Toge side dish at biko dessert, upang hindi ako pagtinginan pabalik. At siyempre maaga ko rin itong tinapos para maka-idlip man lang ako kahit saglit. Aba naman, nung nilapag ko na ang aking iPod sa lamesa, nag-react na naman sila. Sa pagkakataong ito, hindi ko sila narinig dahil nagbulungan lamang sila. Siyempre, dedma lang ang lolo niyo. Bangag pa ako sa antok eh… Nag-cube na lamang ako para magising kahit papano. May humiyaw, “Dumudugo na utak kooohh!!! Tama na! huhuhu!” Heto na naman ang fans club ko…

Medyo mahaba pala ang break, at naalala kong baka kailanganin kong videohan ang demonstration kaya ko nilabas ang aking chipipay na Aiptek videocam. Nung napansin ng grupong ito ang aking pinagkakaabalahan, ito lang ang kanilang nasabi, “(ubo-ubo) zero-nine-one-seven-six…. ahahaha!” at sabi rin nung isa, “Ano ba kasing pangalan moooo??!!” Malas lang nila, dahil wala akong balak i-display ang id ko, dahil “Gerard” ang nakalagay at hindi “Ryan.” (arte ko no?) Lumalabas pala na binibiro nila yung babaeng naka-blue contact lens at braces sa akin. Cute naman siya, medyo chubby nga lang. Nakakalula nga yung kanyang… uhmmmm….future.

Mahirap mag-panggap.

Mahirap mag-panggap.

Maganda sana siya, ayos lang, sosyal manamit. Kaya lang Sabadista. Wala naman akong sama ng loob sa relihiyon na ito kaya lang nalaman ko na bawal sa kanila ang baboy. Sorry na lang, “carnivorous” ako.

Nagtuloy-tuloy na ang discussion tungkol sa favorite color ni ma’am, este lecture. Wala akong naintindihan kundi “buzz-buzz-buzz”. Kahit ilang

kape na ang sininghot ko, inaantok talaga ako. Sayang at nagte-training pa lang ako at kung hindi ay diniretso ko na ito sa ugat. Lumipas ang tatlong oras at break na naman. Sa pagkakataong ito, ensaymada naman ang snack for the day. Nakakatawa lang dahil walang gumagalaw ng tinapay na ito dahil nakalagay sa expiration date ay ganito: 0206 07. Gusto yata kami lasunin nung caterer. Huli ko na lamang napag-alaman na typo-error lamang ito dahil napakasarap naman pala. Nilantakan ko na ito sa loob ng isang kolorum na van sa aking pag-uwi.

Ang salarin!

Ang salarin!

Balik tayo sa break, napansin ko na may babae na nagpi-picture-picture. Sa loob-loob ko lang, “ang vain naman nito.” Na-shock lang ako nung napansin ko na inaanggulo niya ang kanyang old-school na Nokia 6600 sa aking direksyon. Katabi niya kasi yung katapat ko sa upuan, kaya malamang, makikita ko yung pinag-gagawa niya. Sinubukan ko ulit na wag gumalaw. Nag-pose ako ng “suplado look“, sisiw lamang ito dahil suplado mode nga ako di ba? Aba, napangiti siya nung maganda yung kuha! Nawili. Inulit pa niya ulit, pero this time, gumalaw ako. Natakpan niya ako. Naasar yung bruha, inulit niya talaga! Nung na-satisfy sa kanyang paparazzi moments, tinigil na niya bago ko pa i-confiscate ang kanyang telepono, at dahil tuloy na naman ang lecture.

Nakakatawa lang maalala na nag-brown out pa sa kalagitnaan ng lecture nung bandang hapon. E dahil gumagamit ng projector, nahirapan ang lecturer na mag-discuss sa dami namin at walng visual aid. Dito ko lang napansin na wala palang silbi yung mikropono! Pareho lang pala yung lakas nung boses niya kahit wala nito. Nag-aaksaya lang pala siya ng kuryente. Napagtanto ko na isa pala siya sa salarin ng krisis sa Pilipinas. Nung bumalik ang kuryente, ayos na naman ang buto-buto. Tuloy ang ligaya este discussion. Hindi ko lang alam kung naka-off naman pala ang mikropono o mahina lang talaga ang volume. Either way, sayang lang ang effort o kuryente.

Natapos ang kalokohan aka lecture ng mga ala-singko ng hapon. Ayos uwian na, mas mabilis sana ako makaka-uwi kung maganda lang ang pakiramdam ko. Lilipad na lang ako pauwi, at dahil bawal gumamit ng super-powers sa loob ng Capitol Compound, napilitan akong maglakad. Buti naman pala at inanunsyo na alas-otso yung lecture bukas pero gagabihin daw kami. Wala akong pakialam, sa isip ko, basta uuwi na ako.

Oo nga pala, bago kami umuwi, may mga tinawag na mga pangalan. Sila yung mga bumagsak sa pre-test at kailangang magretake. Yung mga hindi natawag, maari nang umuwi.  Oo, hindi ako natawag, kaya mayabang ako. At yung mga fans ko? Lahat sila, naiwan.

3 responses

  1. mj

    aba sosyal na nga ang bph ha?
    hehehe pasaway mga fans mo rai!
    nice nice nice…ganda…🙂

    February 19, 2009 at 4:59 AM

  2. mitz

    aw, walang day 3? ;(

    June 22, 2010 at 2:45 AM

    • Day 3 was really all about the actual “presentation” of what you’ve learned. ^_^

      June 24, 2010 at 7:06 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s